Home ENTERTAINMENT Tom, ikinasal uli?

Tom, ikinasal uli?

Manila, Philippines- Sa kanyang Instagram Stories, abot-tenga ang ngiti ni Tom Rodriguez.

Ayon nga sa caption ng larawan, “still in a Thanksgiving mood.”

Paano ba namang hindi sasaya ang Kapuso actor?

Karga-karga niya ang anak na si Korben, na bahagya lang makikita ang hitsura.

Kung matatandaan, November last year nang ianunsyo ni Tom ang pagkakaroon niya ng anak.

He named the baby boy Korben, anagram of the word “broken.”

Kung description man ito kay Tom, his aura speaks otherwise.

His disposition apparently says he’s no longer broken but full–of love all over again.

Pero may nakaagaw ng atensyon sa nasabing photo.

Ito ‘yung suot-suot na singsing sa kaliwang kamay ni Tom.

Tila wedding ring ‘yon–prompting the netizens kung ikinasal nga ba uli si Tom, this time with the mother of his son?

Kunsabagay, divorced na ang status ni Tom mula kay Carla Abellana.

Three months after they got married years ago ay nagkahiwalay rin sila, after which Tom stayed in the US. Ronnie Carrasco III