Home ENTERTAINMENT Tony, ‘di nababahala sa AI, may paliwanag!

Tony, ‘di nababahala sa AI, may paliwanag!

3
0

Manila, Philippines – Para kay Tony Labrusca, ang pagdating ng AI or artificial intelligence ay isang bagay na hatid ng makabagong teknolohiya na hindi na mapipigilan.

“I mean siguro that’s like a real thing that people are considering personally but I don’t think about these things kasi,” aniya.

“I know that it’s a scary thing kasi you know Al is very capable. I mean even me, I watch Al videos. Entertaining naman talaga siya. So we’ll see. Pero I feel like everything kasi has a time and purpose. And yeah, sorry, let’s just let things unfold siguro. We’ll see,” dugtong niya.

Bagama’t naniniwala siyang makaapekto ito sa trabaho sa industrya, mas pinanghahawakan niya ang isang organisasyon o guild na proprotekta sa mga karapatan ng mga manggagawa sa film industry.

“I feel like it’s just so new kasi. So whether or not I’m for or against AI kung ano man po yung mangyayari, mangyayari iyan,” bulalas niya.

“Well, you know what? I think in the future aside from just Al, I think actors really should have guilds here to protect actors. I think that’s number one, not just against Al, but you know, to stand up against actors’ human rights, you know, like iyong working hours and ayun.

“So, not just Al eh. I feel like there’s a lot that actors need to be protected from,” pahabol niya.

Nilinaw naman niya na hindi niya iniiwasan ang tumanggap ng sexy roles pagkatapos ng kanyang kontrobersyal na pelikulang “Dreamboi.”

Gayunpaman, desisyon din ng management niya na mag-lie low muna siya sa pagpapaseksi.

“I mean I’m not trying to… I just don’t have that in mind when I choose a project kasi hindi naman kasi siya nasa isip ko, kung dapat ba o hindi ako tumanggap ng sexy.

“‘Yung project lang kasi nagkakataon na may ganoong scenes. So yun lang naman,” esplika niya.

Si Tony ay nasa cast ng seryeng “The Good Doctor” kung saan gagampanan niya ang papel ni Dr. Victor bilang antagonist ni Inigo Pascual.

Siya rin ang nagsilbing isa sa hosts ng nakaraang 42nd Star Awards for Movies kung saan tinanghal siyang Male Face of the Night. Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here