Home METRO Top 1 at Top 9 MWP sa region 02, himas rehas

Top 1 at Top 9 MWP sa region 02, himas rehas

ILAGAN CITY, Isabela – Himas rehas na ang dalawang akusado sa panggagahasa na tinaguriang Top #1 at 9 Most Wanted Person regional level sa region 02 sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa siyudad ng Ilagan at Cauayan dito sa nabanggit na probinsya.

Sa mahigpit na direktiba sa kampanya laban sa mga kriminalidad ni PCol. Lee Allen Bauding, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO sa bawat himpilan ng pulisya sa bawat bayan at lungsod ay naaresto ang Top #1 MWP sa Barangay Fugu, City of Ilagan, Isabela na si Jay-Ar Telan, 30 anyos, binata na residente ng Purok 6, Brgy. Manaring dito rin sa nasabing lungsod na nahaharap sa 36 kaso ng Statutory Rape.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Honorable Judge Jeffrey Julian Cabasal ng Regional Trial Court Branch 16, Second Judicial Region, City of Ilagan, Isabela ay walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Habang ang Top 9 MWP regional level din ay naaresto sa Brgy. Nungnungan 1, Cauayan City, Isabela ang akusadong si Angelito Salvador, 46 anyos, may-asawa at residente rin sa nasabing lugar.

Ang nasabing operasyon ay isinagawa sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Hon. Ariel Managuelod Palce, Presiding Judge, Second Judicial Region, Regional Trial Court, Branch 40 Cauayan City, Isabela at wala ring inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan nito.

Pansamantala nasa kustodiya ng pulisya ang dalawang tinaguriang regional level TMWP para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon bago ipasakamay sa korteng pinagmulan. Rey Velasco

Previous articleKumpirmasyon ni Recto sa DOF, aprub kay Bong Go
Next articleMabagal na daloy ng trapiko asahan mula March 15 ‘gang 17 sa tunnel boring machine transport