Home NATIONWIDE Mabagal na daloy ng trapiko asahan mula March 15 ‘gang 17 sa...

Mabagal na daloy ng trapiko asahan mula March 15 ‘gang 17 sa tunnel boring machine transport

MANILA, Philippines – Inabisuhan ang mga motorista ng mabagal na daloy ng trapiko sa ilang kalsada sa Metro Manila mula Biyernes, Marso 15, hanggang Linggo, Marso 17 dahil sa pagbibiyahe ng tunnel boring machine (TBM) na gagamitin sa Metro Manila Subway Project mula Port Area sa Manila hanggang Camp Aguinaldo, Quezon City.

Sa abiso, sinabi ng Department of Transportation na apektado ang mga sumusunod na kalsada:

Port/ R-10 (between 9 p.m. to 9:30 p.m.)
C3 Road (between 9:30 p.m. to 10:30 p.m.)
5th Avenue (between 10:30 p.m. to 12:00 a.m.)
G. Araneta Avenue (between 12:00 a.m. to 1:30 a.m.)
E. Rodriguez Sr. Avenue (between 1:30 a.m. to 2:00 a.m.)
Gilmore Avenue (between 2:00 a.m. to 3:00 a.m.)
Col. Bonny Serrano Avenue (between 3:00 a.m. to 4:00 a.m.)

Inabisuhan ang publiko na maghanap ng alternatibong ruta.

Ayon sa DOTR, ang TBM ay gagamitin sa konstruksyon ng mga tunnel na magkokonekta sa Camp Aguinaldo Station at Ortigas Station ng MMSP. RNT/JGC

Previous articleTop 1 at Top 9 MWP sa region 02, himas rehas
Next articleBea, suot ulit ang engagement ring, nakipagbalikan kay Dom?