Home NATIONWIDE Top 1 most wanted rapist ng Ilocos Sur, nalambat ng mga parak...

Top 1 most wanted rapist ng Ilocos Sur, nalambat ng mga parak sa Malolos

210
0

Bulacan – Arestado ang Top 1 Most Wanted Person (MWP) sa municipal level ng Bantay Municipal police station, Ilocos Sur Police Provincial Office sa bisa ng Warrant of Arrest (WOA), noong gabi ng Enero 29.

Sa ulat ni PMAJ Norheda Usman, Acting Force Commander ng 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC), kinilala ang naarestong akusado na si alyas “Vic”, 24, binata, helper, residente ng Brgy. Santol, Balagtas.

Ayon sa ulat, isinilbi ng mga tauhan ng 1st PMFC ang WOA katuwang ang mga operatiba ng mga operatiba ng Bantay police station-Ilocos Sur police office, Malolos police station at 301st MC RMFB bandang 10:50 ng gabi sa Brgy. Mojon, Malolos City.

Nabatid na ang WOA sa kasong Statutory Rape na walang inirekomendang piyansa, Acts of Lasciviousness, Violation of RA 9995 at 8 bilang ng Sexual Assault ay inisyu noong Disyembre 17, 2025 ng Family Court, Branch 7, Vigan City, Ilocos Sur.

Isinailalim ang akusado sa kaukulang dokumentasyon, medical examination at nakatakdang i-turn over sa kustodiya ng Bantay police station para sa tamang disposisyon. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here