MANILA, Philippines – Itinutulak ng Department of Health (Department of Health ang tuluyang pagbabawal sa paggamit at pagbebenta ng vape products, ayon sa isang opisyal nitong Miyerkules.
Sinabi ni DOH Officer-in-Charge Director Dr. Dominic Maddumba na kung hindi man maipatupad ang total ban, dapat ay limitahan na lamang sa plain tobacco flavor ang vape upang hindi mahikayat ang mga kabataan sa iba’t ibang flavored variants.
Nauna nang nagbabala ang DOH na ang e-cigarettes at tobacco products ay maaaring magdulot ng cardiovascular disease, cancer, at iba pang sakit sa baga.
Nagbabala rin ang World Health Organization (World Health Organization) na ang e-cigarettes ay nagpapalala ng “alarming” na pagtaas ng nicotine addiction, kung saan milyon-milyong kabataan na umano ang nalululong sa vaping.
Inaasahan pa ang iba pang detalye mula sa ahensya. RNT