Home OPINION TOTOONG ‘STATUS QUO’

TOTOONG ‘STATUS QUO’

BAKIT ba ipinipilit ng China na kanila ang West Philippine Sea?

Kasi nga, napakaganda ng Pilipinas. At para sa China, ang Exclusive Economic Zone ng bansa ay isang estratehikong lugar para sa pagtatayo ng mga outpost ng militar, airstrip, at mga pasilidad ng komunikasyon.

Bukod pa ito na ang EEZ ay isang perpektong lugar upang palawakin ang teritoryo ng China para sa lumalaking populasyon ng superpower.

Bagaman para sa ating mga Pilipino, ang WPS ay isang magandang kanlungan para sa mga isda at iba pang nilalang sa dagat. Siyempre pa, ito ay isang masaganang lugar ng pangingisda para sa mga Pilipino.

Pero bakit ganoon? Kapag lumabas ang mga Pinoy sa dagat para mangisda, iginigiit ng China na tayo ay nanghhimasok at kapag nagtungo naman sa Ayungin Shoal para maghatid ng suplay sa mga sundalong nakatalaga roon, sinasabi nilang ‘provocation’ daw.

Nakababaliw man, ganyan ang tingin ng China sa WPS at binu-bully nito ang totoong may-ari ng lugar.

Pero mas nakababaliw ang isang ‘secret deal’ sa pagitan nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Pangulong Xi Jinping  kung saan naisahan ang mga Pilipino dahil hindi nga ito nabatid noong termino ng dating Pangulo ng Pinas. Sabagay, ‘secret’ nga eh.

Kasama umano sa kontrobersyal na deal ang ‘maintaining the status quo’ para mabawasan ang tensyon sa WPS. Ang tanong ay kung aling ‘status quo’ ang tinutukoy ng mga partido sa kasunduan?

Kung itinuturo nila ang sitwasyon sa WPS noong termino ni Duterte, iyon ang panahon kung saan ang mga aktibidad ng pagpapalawak ng China ay hindi napigilan ng gobyerno dahil ang Pangulo noon ay wala sa mood na makipaglaban sa isang superpower.

Kapag pinanatili ang status quo, magiging kaawa-awa ang Pilipinas dahil manganganib na mawala ang teritoryo nito. Katanggap-tanggap sa mga Pinoy na nagmamahal sa kalayaan at siyempre sa mga lahing bayani.

Ang Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ay hindi papayag na mawala kahit isang pulgada ng lupain ng Pilipinas.

Ang status quo ay ang pinanindigan ng 2016 arbitral award na nagpapawalang-bisa sa pag-aangkin ng China na pagmamay-ari nito ang buong South China Sea kabilang ang WPS.

Kinikilala ng pandaigdigang komunidad ang 2016 arbitral award na nagbibigay ng status quo kung saan ang Pilipinas ay may soberanya sa kanyang EEZ sa WPS na hindi maaaring labagin ng China.

Iyan lang ang status quo. Ang natitira ay kathang-isip na.