Home METRO Training Center sa Ermita, pinasara ng DMW sa illegal recruitment

Training Center sa Ermita, pinasara ng DMW sa illegal recruitment

267
0

MANILA, Philippines – Ipinasara ng Department of Migrant Workers (DMW) ang isang training center sa Ermita, Maynila dahil sa illegal recruitment.

Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, modus ng training center na mag-alok ng murang training sa halagang P4,000.

Sa nasabing operasyon, inabutan nina DMW Secretary Hans Leo Cacdac ang may-ari ng training center na Buena Hotel Service.

Ayon kay Cacdac, nahaharap sa kaso ang nasabing training center at may-ari nito.

Bagamat nakakapasa sa training ang mga aplikante, sinabi ng DMW na sa placement fee at processing fee naman babawi sa halagang P330,000.

Pero ang masaklap dito, kahit bayad na ang malaking halaga ay hindi naman nakakaalis ang aplikante patungong ibang bansa.

Nagreklamo ang ilang biktima sa DMW habang nasaksihan mismo ng undercover ng DMW ang illegal recruitment matapos alukin din ng training at trabaho.

Ang hakbang ng DMW ay alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na habulin ang mga illegal recruitment. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here