Home OPINION TRAPIKO, PAGSAKAY SA PUBLIC TRANSPORT PAANO GAGAAN NGAYONG KAPASKUHAN?

TRAPIKO, PAGSAKAY SA PUBLIC TRANSPORT PAANO GAGAAN NGAYONG KAPASKUHAN?

INAASAHANG lalong bibigat ang daloy ng trapiko at mas hihirap para sa mga pasahero na makasakay ngayong Kapaskuhan.

May mga naiisip ang ating transport officials para makagaan-gaan sa kalbaryo ng mamamayan pero sa tingin natin bahagya lamang ang maitutulong nito.

Pero kung ang mga bahagyang ‘yun ay matitipon at well-coordinated naman ay makatutulong na rin nang malaki sa sitwasyon ng traffic.

Pasko man o hindi ay mabigat na ang daloy ng mga sasakyan sa mga kalsada. Ang isang problema pag maraming sasakyan ay parking space.

Kaya naman sa mga pasyalang lugar kailangan nang mas maraming parking attendants para hindi mag- agawan sa parking. Humanap na rin ng lugar na mas malapit sa mga pasyalan na maaaring maging parking spaces.

Sa public transport naman ay nag-issue na ng mga special permit ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board para madagdagan ang mga bus na bumabyahe ng Metro Manila galing sa probinsya.

Pero kailangan ding tutukan ang kakulangan ng public transport sa loob ng Metro Manila mismo.

Bakit ba kulang ang public transport? Isang dahilan ay may mga pamilya rin ang mga drayber.

Natural hindi bumibyahe ang marami sa kanila dahil oras naman para sa kanilang pamilya ang paglalaanan.

Kaya isang suggestion sa operators ng taxi, jeep, NCR buses at TNVS na iplanong mabuti ang paglabas ng mga sasakyan nila.

Kausapin ang mga drayber kung sino ang bibyahe sa Pasko o weekends. At ang mga drayber naman dapat hindi mamili ng pasahero.

Hindi mangontrata nang sobra-sobra. Sa mga pasahero naman dapat ding may konsiderasyon tayo sa mga drayber na sa halip na kasama ang pamilya ay naghahanap-buhay.

Tulungan lang tayo sa bawat isa para naman maging masaya sa Kapaskuhan ang bawat isa.

God bless.