Home METRO Traysikel drayber na marijuana dealer, huli sa Bataan

Traysikel drayber na marijuana dealer, huli sa Bataan

251
0

BATAAN, Philippines – Nasakote ng mga awtoridad ang isang lalaki na umano’y tulak ng marijuana sa ikinasang buybust operation ng pulisya sa Barangay Calaylayan, Abucay.

Batay sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni Central Luzon Police Director Brigadier General Ponce Rogelio Peñones Jr.

Naaresto ang 38 anyos na suspek na isang traysikel drayber matapos umanong maaktuhang nagbenta ng pinatuyong dahon ng marijuana sa katransaksiyong undercover police.

Narekober sa suspek ang nasa 190 grams ng suspected dried marijuana leave with fruiting tops, na may street value ng higit P22,000 at ang marked money na ginamit sa buybust.

Nahaharap ang suspek sa paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Act. (ROEL TARAYAO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here