Home METRO Tricycle driver kritikal sa saksak ng high blood na pasahero

Tricycle driver kritikal sa saksak ng high blood na pasahero

120
0

MANILA, Philippines – Kritikal matapos pagsasaksakin ng pasaherong mainit ang ulo, ang isang tricycle driver sa Tondo, Maynila.

Ayon sa ulat, bumaba ang limang lalaki sa isang tricycle sa Lico Street.

Sa halip na magbayad ng pamasahe ay lumapit ang isa sa mga pasahero at sinaksak sa dibdib ang drayber.

Agad na napatakbo ang biktima ngunit hinabol pa rin siya ng suspek na tinangkang awatin ng mga kasama nito.

Ayon sa kapatid ng biktima, napagbalingan umano ng galit ng suspek matapos may makaaway ang suspek sa isa sa mga kasama nitong uminom sa isang bar.

Nasa ospital ang biktima na kailangang tubuhan dahil naapektuhan ng baga nito.

Isang informant naman ang nagbigay ng larawan ng suspek, at positibo itong kinilala ng biktima.

Patuloy ang pagtugis ng mga awtoridad sa lalaki. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here