Home METRO Tricycle driver namalakol ng ulo sa TODA terminal

Tricycle driver namalakol ng ulo sa TODA terminal

5
0

Bulacan – Sugatan ang isang indibiduwal matapos umanong hambalusin ng palakol sa ulo ng kaalitan sa terminal ng mga tricycle sa bayan ng Pulilan.

Sa ulat ng Pulilan Police station nitong hapon ng Sabado, Hunyo 27, kinilala ang suspek na si alyas “Boy Palakol”, 56 anyos.

Ayon sa ulat ng istasyon, naganap ang insidente sa TODA terminal sa Brgy. Cut-cot sa harap ng Robinson Pulilan.

Batay sa paunang imbestigasyon, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang suspek at ang biktima sa nasabing lugar.

Sa kasagsagan ng kanilang pagtatalo ay kumuha umano ng palakol ang suspek sa kanyang tricycle hanggang sa hatawin ang biktima sa likod ng ulo at mabilis na tumakas.

Agad na dinala ng mga rumespondeng Pulilan rescue team ang biktima sa ospital para mabigyan ng agarang lunas.

Nang makarating sa mga awtoridad ang nangyari ay agad rumesponde sa lugar kaya agad nahuli ang suspek na nahaharap sa kaukulang kaso habang nasa kustodiya ng nasabing istasyon.

Paalala ng istasyon sa publiko na pairalin ang pagtitimpi sa sarili at iwasan ang marahas na pamamaraan sa paglutas ng alitan. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here