Home NATIONWIDE Tropical Cyclone namataan sa labas ng PAR

Tropical Cyclone namataan sa labas ng PAR

MANILA, Philippines – Namataan ng PAGASA ang isang tropical cyclone sa labas ng Philippine Area of Responsibility.

Sa huling ulat ay namataan ang Tropical Storm Shanshan sa layong 2,085 kilometro silangan ng Central Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 85 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 100 kilometro kada oras.

Mabagal ang pagkilos nito sa direksyong pa-kanluran.

Samantala, makararanas naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorm ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa dahil sa localized thunderstorm at easterlies. RNT/JGC