Home METRO Tserman sa Pampanga na nakibirthday kay mayor, utas sa tambang

Tserman sa Pampanga na nakibirthday kay mayor, utas sa tambang

259
0

MANILA, Philippines – Pinagbabaril at napatay ang chairperson ng Barangay Balibago sa Masantol, Pampanga, si Jinqui “Buboy” Quiambao, ng hindi pa kilalang suspek.

Nangyari ang insidente habang pauwi siya mula sa kaarawan ng alkalde ng bayan.

Idineklara siyang patay pagdating sa ospital.

Iniimbestigahan ng Pampanga Police ang crime scene at nakikipag-ugnayan sa ibang police stations para mahuli ang mga salarin.

Ayon sa pamilya, mabuting opisyal at tao si Quiambao.

Ipinapakita ng datos ng pulisya na anim na barangay chairpersons sa Pampanga ang napatay mula 2022 hanggang ngayon, na nagpapakita ng tumataas na panganib para sa mga lokal na opisyal. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here