Home NATIONWIDE Noche Buena price guide ng DTI, alamin!

Noche Buena price guide ng DTI, alamin!

306
0

MANILA, Philippines – Inilabas ng Department of Trade and Industry (DTI) ang Noche Buena price guide upang gabayan ang mamimili ngayong Kapaskuhan.

Nakasama sa gabay ang presyo ng mga karaniwang produkto tulad ng ham, spaghetti, pasta sauce, queso de bola, fruit cocktail, at mayonnaise.

May QR code rin na pwedeng i-scan ng publiko para makita ang mga promos at diskwento sa mga kalahok na tindahan. Makikita ang buong gabay sa website ng DTI: https://tinyurl.com/3bsx2k6.

Tiniyak ni DTI Secretary Cristina Roque na mananatiling stable ang presyo ng pangunahing bilihin hanggang katapusan ng taon, alinsunod sa direktiba ni Pangulo Ferdinand Marcos Jr. na makipag-ugnayan sa mga manufacturer upang maiwasan ang pagtaas ng presyo ngayong Kapaskuhan. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here