Home METRO Tserman utas sa suwag ng van

Tserman utas sa suwag ng van

81
0

LA UNION, Philippines – Kamatayan ang sinapit ng isang barangay  tserman matapos bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa isang van sa Jose D. Aspiras Highway sa bayan ng Tubao ng lalawigang ito kagabi.

Ayon sa Tubao Municipal Police Station, ang 57-anyos na barangay chairman ay residente ng naturang bayan.

Ang 30-anyos na lalaking driver ng Toyota HiAce Grandia ay residente naman ng Baguio City.

Base sa imbestigasyon, ang Toyota HiAce Grandia ay bumibiyahe papuntang kanluran samantalang papunta ng opposite direction ang barangay chairman na nakasakay ng kulay itim na Yamaha Aerox 155 motorcycle.

Pagdating sa pinangyarihan ng insidente, nasakop o napunta umano sa kabilang lane ang motorsiklo.

Tinangkang iwasan ng driver ng HiAce ang motorsiklo ngunit hindi pa rin naiwasan ang banggaan ng dalawang sasakyan.

Resulta nito, sugatan ang driver ng motorsiklo na agad na isinugod sa La Union Medical Center.

Gayunman, ang driver ng motorsiklo ay idineklarang dead on arrival ng umatending doktor.

Hindi nasaktan sa naturang insidente ang driver ng Toyota HiAce Grandia. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here