Home NATIONWIDE Tsismis na naaresto na si Bato, ‘diversionary tactic’ lang- Malakanyang

Tsismis na naaresto na si Bato, ‘diversionary tactic’ lang- Malakanyang

1
0

MANILA, Philippines – ITINUTURING ng Malakanyang na isang “diversionary tactic” ang lumutang na balita na naaresto na si Senador Ronald “Bato” dela Rosa.

Malinaw na layon ng chismis na ito na ibaling ng publiko ang kanilang atensyon sa ibang usapin mula sa impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.

“Bago po ang ating mga kababayan na maniwala sa mga usap-usapan, alamin natin yung source? Ano ang motibo ng mga nagpapakalat?,” ang tanong ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro.

“Dito po natin hahanggaan ang nasa kilalang mainstream media na hindi biased dahil bago magbalita ay inaalam ang katotohanan,” ayon pa rin kay Castro.

Nauna rito, pinabulaanan naman ng Philippine National Police, Department of Justice, National Bureau of Investigation ang ulat na si Dela Rosa ay nasa kustodiya ng gobyerno.

Winika pa ni Castro na ang post na kumakalat sa online ay “no substance at context at malinaw na pang-aakusa lamang ng mga kaalyado ni VP Sara para i-divert ang public attention mula sa kamakailan lamang na pagbubunyag ng Commission on Audit (COA) ukol sa paggasta sa milyon- milyong confidential funds ni VP Sara.

“Mapapansin na walang laman at walang konteksto ang pinapakalat nina Atty. Bondoc at Roque about Sen. Bato,” ani Castro.

“Timing” ang ginagawa nila… para matabunan ang mga naisiwalat ng COA patungkol sa mga walang resibo na paggasta milyohg-milyong pisong confidential funds ni VP SARA sa OVP at DEPED,” aniya pa rin.

“Makikita ang motibo sa ginagawang diversionary tactic ng mga kaalyado ni VP Sara. Maging mapanuri…mainstream media pa rin ang unang dapat na pagtiwalaan sa mga beripikadong balita,” dagdag na pahayag nito.

Magugunitang, nagsimula nang magtago si Dela Rosa matapos ilabas ng International Criminal Court ang warrant of arrest laban dito. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here