Home NATIONWIDE Tulfo brothers, Go, Sotto nangungunang Senatorial bets noong Enero – Pulse

Tulfo brothers, Go, Sotto nangungunang Senatorial bets noong Enero – Pulse

MANILA, Philippines – Nananatiling nasa unang pwesto si ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo bilang Senatorial candidate noong Enero, ayon sa pinakabagong survey ng Pulse Asia na inilabas nitong Lunes, Pebrero 10.

Sa 66 senatorial candidates, 14 ang may “statistical chance of winning if the May 2025 polls were held during the survey period,” sinabi ng Pulse Asia.

Kasalukuyang nangunguna rito si Tulfo na may overall voter preference na 62.8 percent.

Pumangalawa dito si Senador Christopher Go na may 50.4 percent, habang ikatlo naman dito si dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III na may 50.2 percent.

Nasa ikaapat na pwesto si Ben Tulfo, kapatid ni Erwin, at incumbent Raffy Tulfo, sa ikaapat na pwesto sa 46.2 percent.

Sinundan ito ng reelectionists na sina Senador Pia Cayetano, sa 46.1 percent, at Senador Ramon Revilla Jr. sa 46.0 percent.

Samantala, pasok din sina Senador Imee Marcos (43.4 percent) at dating Sen. Panfilo Lacson (42.4 percent) sa listahan.

Dagdag pa, kasama rin dito sina Willie Revillame, Sen. Ronald dela Rosa, Makati City Mayor Abby Binay, Manny Pacquiao, Rep. Camille Villar, at Sen. Lito Lapid.

Ang survey ay isinagawa mula Enero 18 hanggang 25, 2025 gamit ang face-to-face interviews sa 2,400 representative adults edad 18-anyos at pataas. RNT/JGC