Home OPINION TULOY-TULOY NA PAG-ALALAY SA OFWs KAILANGAN

TULOY-TULOY NA PAG-ALALAY SA OFWs KAILANGAN

95
0

NANGANGAILANGAN ng tuloy-tuloy na pag-alalay ng gobyerno ang mga overseas Filipino worker sa Gitnang Silangan dahil walang puknat na panganib at kahirapan na kanilang kinahaharap bunga ng digmaang United States at Israel laban sa Iran at giyerang Israel laban Iran, Hamas, Hezbollah at Houthi.

Sa katunayan, may namatay nang mga Pinoy sa Israel at dalawa naman sa Lebanon makaraan silang ihostage at patayin ng kanilang amo.

Medyo humupa nang kaunti ang digmaan nang magkaroon ng tigil-putukan sa mga bansang ito na matatapos sa darating na Huwebes.

Nakatulong din sa paghupa ng giyera ang tigil-putukan din sa pagitan ng Israel at Lebanon na ang Hezbollah ang lumalaban sa Israel.

Ngunit dahil patuloy ang girian at giyera at walang nakatitiyak sa paglagablab ng giyera, nariyan talaga ang pangangailangan ng pag-alalay sa OFWs.

Nakahinga nang maluwag ang ilang libong nakauwi na sa Pinas, kasama ang kanilang mga pamilya.

Ngunit ang milyones na nananatili sa Iran, Saudi Arabia, Iraq, Bahrain, Qatar, United Arab Emirates, Oman at Kuwait, hindi lang puno ng kaba at takot ang nararamdaman nila kundi ang kawalan ng katiyakan sa paghahanapbuhay.

Marami sa mga employer nila ang nawalan ng hanapbuhay kaya nadadamay na rin ang mga OFW sa kawalan ng kita.

Ang mga nasa Lebanon, may mga OFW na nasa mga bakwitan at kasama nila ang isang milyong Lebanese at dayuhan at umaasa na lang sa abuloy para mabuhay.

Ang mga nasa Israel, wala silang ginawa kundi tumakbo nang may grabeng takot sa mga bunker o bomb shelter para maligtas sa kamatayang sa mga missile at drone na pinakakawalan ng Iran, Hezbollah, Hamas sa Gaza at Houthi ng Yemen.

Marami na ring nawasak na mga pasilidad sa langis, hotel, pier, airport at iba pang doon nakaempleyo ang maraming Pinoy.

Sa katunayan, may ulat nang humina ang padala ng mga OFW mula sa lugar ng giyera kaya naaapektuhan na rin ang maraming pamilya OFW sa Pinas na umaasa sa padala para mabuhay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here