Home NATIONWIDE ‘Tuta’ ni Romualdez sinopla ni Escudero sa Cha-cha: ‘Look who’s talking?’

‘Tuta’ ni Romualdez sinopla ni Escudero sa Cha-cha: ‘Look who’s talking?’

MANILA, Philippines- Matinding inupakan ni Senador Francis “Chiz” Escudero ang isang mahigpit na kaalyado ni House Speaker Martin Romualdez sa hamon nitong ideklara ng senador ang kanilang posisyon sa pag-amyenda sa 1987 Constitution.

Naunang itinanggi ni House Majority Leader Manuel Jose Dalipe na wala silang kinalaman sa isinusulong na pekeng peoples’ initiative na kalaunan, inamin na sila ang nasa likod nito, na siyang ikinairita ni Escudero.

“Look who’s talking,” tugon ni Escudero kay Dalipe.

Sa halip na tugunan ang hamon ni Dalipe, ibinalik ni Escudero ang hamon na sila ang umamin sa publiko na House of Representatives ang nasa likod ng signature campaign sa pekeng peoples’ initiative upang amendahan ang Saligang Batas.

“Why don’t they come out in the open, be accountable and admit to the public that they are truly the ones behind this pekeng People’s Initiative instead of doing a striptease?” tanong ni Escudero.

Sinabi ni Escudero na noong una, “sinasabi ng liderato ng Mababang Kapulungan sa pamumuno ni Romualdez na ‘wala kaming kinalaman dyan’ then, sumunod na sinasabi na sila ay ‘facilitator but not orchestrator…’ and now, they have the nerve to say ‘titigil namin ang PI kapag ipinasa nila ang RBH6.’”

“It would bode well for them to heed their own Speaker’s words when he quoted the saying ‘People who live in glass houses shouldn’t throw stones,’” ayon kay Escudero.

Aniya, ilalantad ng bawat senador ang kanilang posisyon sa charter change sa tamang panahon, na hindi dapat idinaraan sa hamon ng isang kongresistang naunang nagsinungaling sa people’s initiative.

“At present, the Sub-Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes, which is tackling the Resolution of Both Houses No. 6 (RBH6) that seeks to review the economic provisions of the 37-year-old Constitution, has just started its public hearing,” ayon kay Escudero.

Sa ginanap na unang pagdinig nitong Lunes, Pebrero 5, hinamon ng ilang senador ang nagsusulong ng Charter change na maglatag ng matitibay na datos upang depensahan ang kanilang argumento na kailangang rebisahin ang Saligang Batas sa halip na iligaw sa opinyon bilang katotohanan.

“Sinasabi nila kailangan nang amyendahan ang ating Saligang Batas dahil obsolete na ang ilan sa mga economic provisions dito at dahil diyan ay nagdadalawang-isip ang mga foreign investors na magnegosyo dito sa atin,” ayon kay Escudero. “Pero wala naman silang maipakitang datos o surveys na magpapatunay na ito ang sentimiyento ng mga negosyante at ng mamamayang Pilipino.”

Kasabay nito, inilatag naman ng kumokontra sa charter change ang kanilang kaso gamit ang “rock hard facts” at well-researched studies sa committee hearing na pinangunahan ni Senator Sonny Angara.

“To make their arguments credible, those advocating for Charter change at this time should present before the Senate committee credible data at hindi lang mga sabi-sabi,” giit niya.

“Sabi nila, gusto ng business community ang pag-amyenda sa mga economic provisions. Asan ang patunay?” dagdag ni Escudero. Ernie Reyes

Previous articlePassport appointments inaasahang papalo sa pre-pandemic levels ngayong 2024
Next articleTolentino umayuda sa mga binaha sa Davao