Home NATIONWIDE TV, radio anchor Migs Bustos nagreklamo sa DOJ sa paggamit sa kanya...

TV, radio anchor Migs Bustos nagreklamo sa DOJ sa paggamit sa kanya sa love scam

MANILA, Philippines – Kumilos na ang Department of Justice sa kumakalat na “love scams” ngayong Kapaskuhan.

Dumulog sa DOJ ang ABS-CBN Television at radio anchor Migs Bustos upang paimbestigahan ang “love scams” na gumagamit ng artificial intelligence technologies upang mahikayat ang mga mabibiktima na magpadala ng pera money online.

Ayon kay DOJ Assistant Secretary Mico Clavano, ipapasa ang reklamo ni Bustos sa Office of Cybercrime at maaaring irefer ito sa National Bureau of Investigation o sa Philippine National Police para sa mas malalim na imbestigasyon.

Hinikayat din ni Clavano ang iba pang biktima ng online scamming activities na dumadami tuwing Christmas season.

Nanawagan din ang DOJ sa publiko na maging mapanuri sa pakikitungo sa mga hindi kakilala na posibleng mga online scammers.

Isininumite ni Bustos sa DOJ ang photocopies ng screenshots ng online scamming activities na gumamit ng kanyang larawan at pagkakakilanlan.

Ayon kay Bustos, nakatangap siya ng email mula sa umano’y biktima sa Orlando, Florida na nagpapakilala na mayroon umanong online relationship sa nagpakilalang si Bustos.

Nakuhanan umano ang biktima ng $200,000.

Sinabi ni Bustos na hindi lamang ang kanyang mukha ang ginamit kungdi maging ng kanyang pamilya at mga kaibigan. TERESA TAVARES