Home ENTERTAINMENT TV5 talent, nagreklamo ng harassment, aaksyunan!

TV5 talent, nagreklamo ng harassment, aaksyunan!

Manila, Philippines – Nagsilbing precedent ang kaso ni Sandro Muhlach laban sa dalawang “independent contractors” ng GMA.

Heto’t lumantad naman ang isang talent/news researcher ng programang Budol Alert ng TV5 laban sa program manager ng News and Current Affairs ng nasabing estasyon.

Inireklamo ng ‘di pinangalanang talent na lalaki si Cliff Gingco ng sexual harassment.

Ayon sa salaysay ng naturang network talent sa programang Wanted ni Senator Raffy Tulfo, niyaya raw siya ni Gingco na mag-inuman sa isang bar somewhere in Makati City.

Nalasing daw siya sa sobrang nainom.

Before he knew it, nasa hotel na raw sila ni Gingco.

Sa sobra ngang kalasingan, nasukahan niya ang kanyang pang-itaas na damit.

Dahil puro suka ito’y hinubad niya ang kanyang damit.

Idinamay na rin daw niya ang kanyang pantalon.

The alleged victim was so drunk and weak that he fell asleep.

Wala raw siyang sapat na lakas para manlaban sa noo’y nananamantala nang si Gingco who held and stroked his private parts.

Gingco allegedly gave him a head.

Pinahahawakan din daw ni Gingco sa kanya ang ari nito but he refused.

Nang mahimasmasan kinabukasan, nagdesisyon ang talent na idulog ‘yon sa pulis malapit sa hotel.

He claimed he was given the runarounds by the police.

Pinapili pa raw siya kung ipaba-blotter niya ang insidente o magsasampa siya ng kaso.

Kaagad ding ipinagbigay-alam ng talent sa HR ng TV5 ang nangyari.

Nakarating na rin daw ito sa kaalaman ng pamunuan ng TV5.

For its part, nangako naman ang TV5 management to look into the talent’s complaint.

Tsinek namin ang Facebook account ni Cliff Gingco, pero Messenger lang ang kanyang gamit.

As we’ve written earlier, asahan nang magsusulputan ang ibang may kaparehong karanasan tulad ng umano’y sinapit ni Sandro.

What seems ironic though, ang departamento ni Gingco na dapat ay siyang naghahatid ng balita ay siya ngayong laman ng balita.

The network talent is said to be 22 years old, a minor no more. Ronnie Carrasco IIi