
NAGKAKAISANG mga bansa! Ito ang kahulugan ng United Nations o kaya naman ay samahan ng mga bansa, malaki man o maliit, mayaman o mahirap, basta’t sama-sama para sa kabutihan.
Walang ibang inaasam kundi kapayapaan at katatagan ng bawat isa. Iyana ng tanging hangarin nang binuo ang UN sapagkat ayaw na ayaw ng mga ito ang kaguluhan.
Kaya naman mayroon itong tinatawag na Global Programme on Preventing and Countering Violent Extremism (PCVE). Programang sasawata sa mga paraan na bumuo ng lakas para maghasik ng kaguluhan.
Dito sa atin, naka-alalay din ang UN dahil sa programang iyan at alam nila na maraming samahan dito na binubuo para makapaghasik ng kaguluhan o agawin ang kapangyarihan ng pamahalaan.
Sa programa ng UN, nagagawa nitong maiiwas ang buong mundo sa posibleng kaguluhan. Kaya sa loob pa lamang ng isang bansa halimbawa, gaya ng sa Pilipinas, mas maiging sa pagpoporma pa lamang ng grupong manggugulo, dapat ay handa na tayong lahat.
Nilalaman ng programa ang mga paraan para kontrahin ang mga ganitong balakin. Kahit na matagal na rin tayong may sariling pamamaraan para labanan ang mga ganitong pagkilos mas magandang nakikiisa tayo sa UN.
Dahil nga nagsisimula sa pangrerecruit at sa tinatawag na ‘radicalization’, ang mga kabataan ay nare-recruit sa mga maling ideolohiya, may paraan ang UN diyan.
Sa madaling salita, ang panghihikayat daw ng mga kabataan gaya nang ginagawa ng mga CPP-NPA-NDF ay bahagi ng terorismo.
Kaya diyan pa lamang, dapat maipaalam na bawal na bawal ang ganitong gawain at may kaparusahang naangkop sa krimen ng terorismo. Ito ay para iwasan ng anomang grupo o samahan na gumawa nito.
Pero, matagal na nating naranasan, at patuloy na nararanasan ang palihim na panghihikayat sa ating mga kabataan ng mga maling samahang mga ito. Kaya nga naibahagi ko na sa inyo na kahit ang UN ay ayaw na ayaw ang ganitong estilo, at wala tayong maitutulong kundi ang pakikiisa sa UN.
Ito ay ang pakiramdamang maiigi ang mga mahal natin sa buhay lalo na ang mga kabataan sa ating mga tahanan. Alamin kung sino ang kanilang mga sinasamahan, mga grupo nilang kinabibilangan, at maging kanilang mga kaibigan nang sa gayon ay makasiguro tayo na hindi sila magiging parte ng isang malaking gawaing terorismo.