Home NATIONWIDE UN: Nuclear war nakaamba

UN: Nuclear war nakaamba

TOKYO – Muling lumitaw ang anino ng nuclear war sa pagbabanta ng ilang bansa na gumamit ng uclear weapons, ayon kay United Nations Secretary-General Antonio Guterres sa kanyang mensahe sapaggunita sa 78th anniversary ng atomic bombing ng Hiroshima.

“The drums of nuclear war are beating once again. Mistrust and division are on the rise. The nuclear shadow that loomed over the Cold War has re-emerged. And some countries are recklessly rattling the nuclear saber once again, threatening to use these tools of annihilation,” ayon sa kanyang mensahe na binasa ni Under-Secretary-General and High Representative for Disarmament Affairs, Izumi Nakamitsu, samemorial event sa Hiroshima Peace Memorial nitong Linggo.

Hinikayat din ni Guterres ang lahat ng bansa na huwag gumamit ng nuclear weapons. Aniya, ang pagkalos sa nuclear arms ay nananatiling pinakamataas na disarmament priority ng UN.

“The only way to eliminate the nuclear risk is to eliminate nuclear weapons,” giit niya. “We will not rest until the nuclear shadow has been lifted once and for all.”

Nagsagawa ang US Armed Forces carried ng unang atomic bombing sa kasaysayan, na tumama sa Japanese cities ng Hiroshima at Nagasaki bago matapos ang World War II.

Batay sa pagtataya, sapul ng atomic bomb sa Hiroshima ang 70,000 hanggang 100,000 indibidwal sa loob lamang ng isang araw.

Sa pagtatapos ng 1945, umakyat ang bilang ng mga biktima sa 140,000.

Sa kasalukuyan, nakapagtala ng 350,000 biktima sa nasabing pagbomba. RNT/SA