Home NATIONWIDE Uniform truck ban sa Marcos highway, puntirya

Uniform truck ban sa Marcos highway, puntirya

356
0

MANILA, Philippines – Target ng Metro Manila Development Authority ang iisang plano sa implementasyon ng truck ban sa kabuuan ng kahabaan ng Marcos highway.

Ito ang mabilis na reaksyon ng MMDA sa nangyaring gridlock ng traffic noong Sabado sa Marcos hiway.

Ayon sa liderato ng MMDA, dapat ang well-coordinated traffic at truck ban plan sa marcos HIWAY ss pagitan ng mga local government unit.

Magugunitang nitong Sabado ay nagkabuhul buhol ang trapiko sa dami ng sasakyan sa naturang kalsada.

Bilang inisyal na aksyon , papalitan ng MMDA ang concrete barriers sa panulukan ng Marcos Highway at Gil Fernando Avenue ng mga movable orange barriers.

Nitong Martes ay nakipagpulong ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa local traffic officials upang mapigilan ang pagkaulit ng traffic gridlock sa Marcos Highway noong Sabado.

Ipinirisinta ni MMDA General Manager Procopio Lipana, kasama sina Traffic Discipline Office Director for Enforcement Vic Nuñez, at ibang MMDA officials ang plano/ideya sa mga traffic heads ng Cainta, Antipolo, Marikina, at Pasig sa kanilang pagpupulong sa MMDA headquarters Pasig City,

Ang presentation ni Lipana sa plano ng MMDA ay alinsunod sa direktiba ni President Ferdinand R. Marcos Jr. na wakasan ang traffic congestion sa Marcos Highway

“In case there is a repeat of Saturday’s traffic situation, it can be adjusted manually,” sabi ni Nunez.

Ang apat na concerned LGUs na sangkot sa gridlock ay nakatakdang lumagda ng memorandum of agreement sa MMDA upang istriktong i enforce ang anti-illegal terminal at anti-illegal vendor policies sa naturang lugar. (Dave Baluyot)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here