MANILA, Philippines – Nanawagan si Senior Citizens Party-list Rep. Rodolfo Ordanes ng imbestigasyon sa Kamara hinggil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng diesel, na ayon sa kanya ay mas mabilis pa kaysa sa ibang bansa sa Asya.
Ipinahayag ni Ordanes ang pangamba sa epekto nito sa mga driver, lalo na sa mga senior citizen na patuloy na nagtatrabaho sa sektor ng pampublikong transportasyon.
“I am aghast as to why diesel which is the fuel used by jeepney drivers is soaring to uncontrollable levels when in fact if the DOE (Department of Energy) claims we have 45 days then the increase should be proportionate to the stock inventory we have,” aniya.
“This is plain and simple profiteering which the DOE has failed to rein in on,” dagdag pa niya.
Hiniling niya sa energy committee ng Kamara na magsagawa ng pagdinig upang masuri ang mga gawain sa industriya at ang kakulangan ng bansa sa refinery at stockpiling capability.
“I am requesting the energy committee of the House to conduct a hearing and as a representative of seniors many of whom are still plying the streets as jeepney, tricycle and taxi drivers I will make sure to look after their interest,” ani Ordanes.
Sinabi rin niya na lumagpas na sa P100 kada litro ang diesel sa Metro Manila, halos doble kumpara sa presyo nito wala pang isang buwan, habang nahaharap ang mga mamimili sa ikatlong sunod na double-digit increase.
“Kalunos lunos na ang sitwasyon ng kawawa natin mga driver at may isang naiyak na sa pighati dahil sa walang pagtulong mula sa pamahalaan. At nagtataka tayo kung bakit nawawala na ang tiwala ng taong bayan sa gobyerno,” aniya.
Iminungkahi rin ng mambabatas ang pagbuo ng komprehensibong plano para sa electric vehicle industry sa pampublikong transportasyon upang mabawasan ang pagdepende sa tradisyunal na fuel sources. RNT