Home NATIONWIDE UPOU, nagbukas ng enrollment para sa 25 libreng online courses

UPOU, nagbukas ng enrollment para sa 25 libreng online courses

3
0

MANILA, Philippines – Binuksan na ng University of the Philippines Open University (UPOU) ang enrollment para sa 25 libreng Massive Open Online Courses (MOOCs) na isasagawa mula Hulyo hanggang Disyembre 2026 sa pamamagitan ng Massive Open Distance eLearning (MODeL) platform.

Ayon sa UPOU, libre, self-paced, at bukas sa publiko ang mga kurso. Ang mga makatutupad sa mga kinakailangang requirements ay maaaring makatanggap ng 16-hour electronic certificate.

Kabilang sa mga bagong o muling inaalok na kurso ang Internalizing Behaviors among Children and Practical Home Support; Understanding the Language of Business: Accounting Overview & Basic Financial Statements; Batayang Kasanayan sa Akademikong Pagsulat sa Filipino; Panimulang Kasanayan sa Gramatikang Filipino; at Research Ethics: Fundamental Concepts and Review Process.

Upang makapag-enroll, kinakailangang gumawa ng account sa MODeL website, kumpirmahin ang email address, at piliin ang nais na kurso. Karaniwang nagsisimula ang self-enrollment dalawang linggo bago ang pagsisimula ng klase at nananatiling bukas habang isinasagawa ang kurso.

Pinayuhan din ng UPOU ang mga aplikante na gumamit ng Google-affiliated email account tulad ng Gmail upang matiyak ang pagtanggap ng confirmation messages. Maaari umanong umabot sa tatlong business days ang email verification dahil sa dami ng mga gumagamit.

Makikita sa MODeL homepage ang mga kursong bukas para sa enrollment, habang ang iba pang offerings ay maaaring hindi pa available. Para sa mga katanungan, maaaring mag-email sa [email protected]. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here