Home NATIONWIDE Verde Island Protection bill isinusulong ng grupo ng mga mangingisda bago mag-SONA

Verde Island Protection bill isinusulong ng grupo ng mga mangingisda bago mag-SONA

1
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang fisherfolks at environmental groups sa Kongreso ngayong Lunes, Hulyo 27 na ipasa ang panukalang Verde Island Passage Protected Seascape (VIPPS) Bill kasabay ng paghimok sa pamahalaan na agad na magbigay ng full compensation at hustisya sa mga komunidad na naapektuhan ng 2023 MT Princess Empress oil spill.

Ayon sa mga grupo, mahalaga ang hakbang na ito para maprotektahan ang marine biodiversity, coastal livelihoods, at masiguro ang food security ng bansa.

Ang apela ay ginawa sa “State of the Ocean and Philippine Fisheries Address 2026,” ng koalisyon na inilabas bago ang ikalimang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Pinirmahan ang pahayag na ito ng mga small-scale fisherfolk organizations, environmental advocates, scientists, faith-based groups, at civil society organizations sa buong bansa.

Magbibigay umano ng panukalang VIPPS Bill ng mas matibay na legal na proteksyon sa the Verde Island Passage, na kinilalang isa sa richest centers ng marine biodiversity sa mundo, mula sa polusyon at environmentally destructive projects, kabilang ang fossil fuel developments.

Kasabay ng mga panawagan, nagbabala naman ang koalisyon sa patuloy na pagbaba ng huli ng mga isda ng fisheries sector, tumataas na fuel at production costs, lumalalang epekto ng climate change, marine pollution, mapanirang development projects, at patuloy na panghihimasok ng commercial fishing vessels sa municipal waters.

“The fisheries crisis is not only a problem of fisherfolk. It is an issue of national food security,” pahayag ng koalisyon.

Bagamat may mga inisyatibo umano na ginawa ang administrasyong Marcos sa apat na taon nito sa opisina ay kulang pa rin ito at bigong matugunan ang ugat ng krisis sa pangisdaan.

Hinimok ng mga ito si Pangulong Marcos, ang Kongreso, Department of Agriculture, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, Department of Environment and Natural Resources, at lokal na pamahalaan na gumawa ng pangmatagalang reporma na magpapalakas sa fisheries management at poprotekta sa marine ecosystems. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here