Home ENTERTAINMENT Vice, nagparamdam ng paglipat ng Showtime sa GMA!

Vice, nagparamdam ng paglipat ng Showtime sa GMA!

Manila, Philippines – Good. Better. Best.

Ang pang-uring ito ay isa lang sa maraming halimbawa ng three degrees of comparison.

Ang adjective na nag-uumpisa sa “most” o nagtatapos sa “est” ay superlative.

Pero higit pa sa halimbawa ang linyang binitawan ni Vice Ganda sa recent episode ng It’s Showtime.

Ayon sa Unkaboggable Star on air: “I-manifest n’yo ‘yung best days are coming. Narinig n’yo ‘yon? Ang taray!”

May kabuntot pa ito na: “Dapat everyday, nagho-hope tayo na best days are coming!”

Bale ba, kakaibang excitement ang rumehistro sa mukha ng TV host-comedian.

As expected, kanva-kanyang interpretasyon ang mga manonood sa kung ano ang ibig ipakahulugan ni Vice Ganda.

Ang tinutukoy ba niya ay ang napipintong paglipat ng It’s Showtime mula sa GTV patungong GMA?

Kung matatandaan daw kasi, bago lumipat ang nasabing noontime show sa GTV ay nagpahaging si Vice Ganda na: “Better days are coming!”

In no time did It’s Showtime find a home in GTV.

Should this likely happen, tatapatan ng Showtime ang Eat Bulaga sa TV5.

Tingnan n’yo nga naman ang tadhana.

Before, it was GMA’s Eat Bulaga (noong prodyus pa ito ng Tape, Inc.) versus ABS-CBN’s It’s Showtime.

Indeed, the tables are turned!

Kung matutuloy, magandang abangan kung alin ss dalawang programa ang magwawagi sa ratings! Ronnie Carrasco III

Previous articleMag-live-in partner na tulak, arestado sa P170K shabu sa Valenzuela
Next articleMagandang Buhay, nagre-replay na lang, sibak na rin?