Manila, Philippines – Sa dinami-dami ng mga makakasalamuha sa daan, ‘di inaasahan ni Pasig City Mayor Vico Sotto na paparahin siya ng isang ale, na certified “Marites” pala!
Viral ngayon ang isang video mula sa TikTok kung saan makikitang may ale na kumakausap kay Vico na nasa loob ng sasakyan nito.
Nakasilip lang mula sa bintana ng sasakyan ang alkalde.
Noong una’y paghingi ng medical help ang pakay ng lumapit na ale.
Madidinig ang sagot ni Vico na aayusin niya ‘yon.
Eto na ‘yung nakakaaliw na parte.
Out of the blue, tinanong ng ale kay Vico: “‘Saan na si Aga?”
Mahahalatang na-puzzle si Vico: “Sinong Aga? Aga Muhlach?”
Sagot ng ale: “‘Yung anak niyang babae!”
Obyus na ang tinutukoy ng ale ay si Atasha.
Tugon naman ni Vico: “Hindi ko kilala ‘yon.”
‘Di pa rin natinag ang ale: “Best friend mo ‘yon!”
Maging ang mga netizens ay nawindang sa ale.
Anila, public servant ang nilapitan ng ale at hindi taga-showbiz.
Ang ama ni Vico na si Bossing Vic Sotto at inang si Coney Reyes ang kilala mula sa showbiz.
Nauna nang itinanggi ni Atasha ang tsismis na nag-uugnay sa kanila ni Vico.
Si Atasha–na kambal ni Andres–ay regular host ng Eat Bulaga. Ronnie Carrasco III