Manila, Philippines – Of late, dalawang personalidad ang ipinaka-cancel just because may kunek sila kay First Lady Liza Araneta-Marcos.
Nauna si Toni Gonzaga sa dahilang inaanak ito sa kasal at ang asawang si direk Paul Soriano.
Sumunod ay si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.
Ang siste, lumapit si Pia kay FL Liza para humingi ng suporta para sa kanyang Gala auction.
Naturally, the anti-Marcos netizens took it against Toni and Pia.
Pero take note, hindi kinaya ng mga ito to do the same thing with Vilma Santos!
Nagpatawag kasi ng meeting ang Unang Ginang sa ilang mga film industry people.
Layunin ng pulong na ‘yon ang mapakinggan ng FL ang mga saloobin ng mga ito.
In return, inasahang naglatag ng mga maitutulong ang FL sa beleaguered industry.
Ilan nga sa mga ka-meeting ng Unang Ginang ay si Vilma, Christopher de Leon, Tirso Cruz Ill, mga producer na sina Roselle Monteverde, Atty. Joji Alonzo, FDCP Chairman Joey Reyes, ang MMDA Chairman atbp.
Surprisingly, walang violent reaction mula sa mga anti-Marcos ang pakikipagpulong ni Ate Vi sa Unang Ginang.
Katwiran naman ng marami, walang dahilan para ikansela si Vilma dahil kaisa naman ang FL sa layuning tulungan ang industriyang pinagmulan niya.
Saka let’s face it, walang anumang bahid ng pulitika ang meeting na ‘yon. Ronnie Carrasco IIi