MANILA, Philippines – Iginiit ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na hindi binibigyan ng special treatment si dating Senador Bong Revilla Jr. habang nakaditine ito sa Quezon City Jail Male Dormitory (QCJMD).
Reaksyon ito ng BJMP sa napaulat na mayroon umanong hiwalay na air-conditioned detention area si Revilla na may “special comfort room” pa para sa kanyang mga bisita na nasa tabi umano ng opisina ni QCJMD warden Supt. Maria Lourdes Pacion sa Payatas, QC.
Itinanggi din ng BJMP na maaaring bisitahin ng mga bisita ang nakaditine na dating senador na “24/7” na binansangan ito bilang “unlimited dalaw”.
Sa panayam sa jail warden ng QCJMD na si Supt. Pasion itinanggi nito na wala umanong basehan ang naiulat na may special treatment sa dating senador at iginiit na ang mga pagbisita sa QCJMD ay “inaanyayahan” upang patunayan na si Revilla ay nananatili sa kanyang itinalagang selda “sa lahat ng oras.”
Nauna nang iniulat na ang nakaditine na senador (Revilla) ay tumatanggap umano ng special treatment at may may hiwalay pa na air-conditioned detention area na may “special comfort room” para sa kanyang mga bisita.
Kaugnay nito sinabi pa ni Pacion na ang mga legal na pagbisita ay maaaring gawin kahit na sa mga hindi banal na oras upang makita mismo na si Revilla ay natutulog sa naaangkop na pasilidad kasama ng mga ordinaryong taong pinagkaitan ng kalayaan (PDLs).
Nauna rito iniulat sa pahayagan (hindi sa Remate) na may ibinibigay umanong special treatment ang BJMP kay dating Senador Bong Revilla habang nakaditine ito sa QC Jail Dormitory facility, na may hiwalay pa umanong sariling kuwarto ang senador at may air-conditioned at may sariling comfort room.
Samantala kaugnay nito sinabi naman ni BJMP National Capital Region Director Chief Supt. Baby Noel Montalvo tiniyak nito na “seryosohin ng bureau ang lahat ng mga paratang at nananatiling bukas sa pagbibigay ng tumpak na impormasyon para matiyak na maayos na nilinaw ang usapin.’’
Gayunpaman, ipinunto ni Montalvo na ang hindi kilalang mga mapagkukunan source ay naiulat nang hindi nakontak ang BJMP-NCR para sa beripikasyon o para sa isang opisyal na pahayag.
Kaugnay nito nanindigan ang BJMP na sumusunod ito sa mahigpit na patakaran ng BJMP at sa direktiba ng DILG para sa zero tolerance laban sa anumang uri ng espesyal na pagtrato para sa mga PDL. (Santi Celario)