Home ENTERTAINMENT VMX star, muntik nang mabulag sa eye lashes!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES VMX star, muntik nang mabulag sa eye lashes!July 8, 2026 19:2510 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Blame it on her fake eyelash extension, muntik na kasi itong ikabulag ng VMX star na si Angel Castro.For starters, si Angel ay anak ng TGIS stars na sina Raven Villanueva at Diego Castro.Unlike her wholesome parents noong aktibo pa ang mga ito, mas pinili ni Angel na magpaka-daring.Kailan lang, nag-isyu ng babala si Angel sa mga mahilig magpalagay ng fake eyelash extension.Ito kasi ang dahilan kung bakit naimpeksyon ang kanyang mga mata, na muntik na niyang ikabulag.Ito’y dahil sa ginamit na glue sa plastic na pilikmata.Sa ngayon, Angel finds it hard to look straight.Sumasakit din ang mga mata niya pag tinatamaan ng liwanag.Tsika ni Angel, pagkatapos daw siyang lagyan ng fake eyelashes ay humapdi na ang kanyang mga mata paggising niya sa umaga.Nang suriin ng doktor, nagkagasgas ang kanyang mga mata.Bukod sa hapdi na iniiyak niya, natakot din si Angel na maging dahilan ‘yon ng kanyang pagkabulag.Pasumpong-sumpong pa din daw ang pangingirot ng kanyang mga mata.Angel needs to undergo an eye operation sa isa niyang mata.Pero dapat daw ay pababain muna ang kanyang uric acid. Ronnie Carrasco III