Home NATIONWIDE VP Duterte sa mga taga-suporta: Sa halip na mag-rally, magtrabaho na lang

VP Duterte sa mga taga-suporta: Sa halip na mag-rally, magtrabaho na lang

MANILA, Philippines- Hiniling ni Vice President Sara Duterte nitong Biyernes sa kanyang mga taga-suporta na iwasang ihayag sa mga kalsada ang kanilang pagkadismaya sa kanyang impeachment.

“Sa panahon ngayon na sobrang mahal ng presyo ng mga bilihin, lalong lalo na ng pagkain, sasabihin ko sa mga supporters, sa taumbayan, na unahin na muna nila ang trabaho and negosyo nila kesa mag-rally sila sa daan,”giit ng bise presidente sa isang press conference.

“Lahat tayo, breadwinners. Merong mga bata na nagde-depende sa atin,” paliwanag niya.

“Tayo naman ang social media capital ng buong mundo.”

“Kung gusto talaga nilang magsalita at tumulong, doon na lang sila sa social media kung saan nakakatrabaho pa rin sila pero nagagawa nila kung ano yung nararamdaman nila, na gusto nilang gawin—at yun ay magsalita at marinig sila ng taumbayan at mundo,” giit ni Duterte.

Pinatalsik ng Kamara nitong Miyerkules si Duterte kung saan 215 mambabatas ang bumoto sa resolusyon para sa layuning ito,

Nadala na rin ang Articles of Impeachment sa Senado para sa paglilitis. RNT/SA