MANILA, Philippines – Hindi dadalo si Bise Presidente Sara Duterte sa ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo 28, ayon sa House Secretary General Reginald Velasco. Pangalawang sunod na taon na niyang lalaktawan ang SONA.
Ayon kay Velasco, may nakalaang upuan at holding room pa rin para kay VP Sara sakaling magbago siya ng isip, bilang isa siyang institutional guest ng Kongreso.
Noong nakaraang taon, sinabi ni Duterte na siya raw ang “designated survivor,” na umani ng batikos dahil tila batay ito sa isang TV series kung saan namatay ang lahat ng opisyal maliban sa isa.
Masalimuot na ang relasyon nina Marcos at Duterte matapos siyang i-impeach ng Kamara noong Pebrero dahil sa umano’y maling paggamit ng confidential funds at bantang pagpatay sa Pangulo at pamilya nito. RNT