Home HOME BANNER STORY VP Sara impeachment trial pinatitigil sa SC sa isyu ng legalidad, presiding...

VP Sara impeachment trial pinatitigil sa SC sa isyu ng legalidad, presiding officer

1
0

MANILA, Philippines – Naghain ng mosyon ang grupo ng mga abogado sa Korte Suprema para kuwestiyunin ang pagtatalaga kay Senator Chiz Escudero bilang Presiding Officer sa impeachment trial sa Senado.

Sa kanilang 16-pahinang Very Urgent Manifestation with Motion, hinimok nina Atty. Israelito Torreon at walong iba pang abogado ang mataas na Hukuman na maglabas ng Temporary Restraining Order o Status Quo Ante Order laban sa impeachment trial ni VP Sara.

Ipinunto ng mga abogado na ang amendments sa Rules of Procedure on Impeachment Trials na inaprubahan sa session noong Hunyo 3 — na kinukuwestiyon din dahil sa 12 miyembrong quorum lang — ay “walang bisa.”

Iginiit nina Torreon na tanging ang Senate President lang ang maaaring mamuno sa mga impeachment trial, maliban kung ang President mismo ang nililitis, na dapat ay pamunuan ng Punong Mahistrado.

Inihain ni Sen. Ronald Miguel Zubiri ang Resolution No. 430 sa sesyon noong Hunyo 3 na naglalayong amyendahan ang Rule II ng Rules of Procedure upang payagan ang paghalal ng ibang senador, sa halip na ang Senate President, na mamuno sa impeachment trial sa pamamagitan ng boto ng mayorya, at ito ay inaprubahan din ng Senado sa mismong araw.

Sa manifestation, sinabi ng mga abogado na hindi sumunod sa tamang proseso ang pagbabago sa mga patakaran, kabilang ang one-day notice rule para sa anumang amyenda, at ang mga pagbabago ay inaprubahan ng Senado bilang isang legislative body at hindi bilang isang impeachment court.

Dahil dito, sinabi ng kampo ni Duterte na nalalagay sa alanganin ang bisa ng kasalukuyang impeachment trial.

Dagdag pa, kung ang namumuno ay walang constitutional authority, ang proceeding ay hindi lang makaaapekto sa kanyang posisyon kundi sa bawat hatol, utos, ebidensya, at desisyon sa proseso na ginawa sa ilalim ng kanyang pamumuno.

Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here