MANILA, Philippines- Sinabi ni Vice President Sara Duterte nitong Huwebes na dapat ipakita ng mga mananampalatayang Katoliko ang kababaang-loob, kabaitan, at awa sa mga nangangailangan, sa pagdiriwang ng Kapistahan ni Jesus Nazareno.
Sinabi ni Duterte na ang debosyon ng mga tao sa Nazareno ay patunay ng malaki nilang pagtitiwala sa mga himala ng Diyos “that have become the spring that gives us the strength, courage, and the inspiration to be resilient as we hold fast to our faith and overcome the challenges coming our way.”
“The Black Nazarene is a manifestation that we will never face the challenges that come our way alone — because God is constantly guiding us, walking with us, and carrying the cross for us on the way to salvation,” pahayag ng Bise Presidente.
Gayundin, hinimok ni Duterte ang mga Katolikong Pilipino na patuloy na ipanalangin ang bansa at mga kapwa Pilipino, partikular ang mga nangangailangan, at mga may sakit.
“We are also called to show humility, kindness, and mercy to everyone in need, even to those who persecute us,” aniya.
“Let us all continue to pray for healing, wisdom, and guidance as we renew our faith in prayer and contemplation of our mission as God’s children,” dagdag ni Duterte.
Ang Kapistahan ni Jesus Nazareno ay 10-araw na aktibidad na nagsimula noong December 31, 2024, at matatapos ngayong January 9, 2025, sa “Traslacion” o prusisyon ng 400-taong imahe ni Jesus Nazareno mula Quirino Grandstand hanggang Quiapo Church.
Opisyal na umarangkada ang Traslacion ng alas-4:41 ng madaling araw nitong Huwebes, base sa Quiapo Church. RNT/SA