Home NATIONWIDE VP Sara sa publiko: Ati-Atihan festival ipagdiwang nang may pasasalamat, pag-asa

VP Sara sa publiko: Ati-Atihan festival ipagdiwang nang may pasasalamat, pag-asa

240
0

MANILA, Philippines – NANAWAGAN si Vice President Sara Duterte sa publiko na ipagdiwang ang Ati-Atihan festival sa Kalibo, Aklan na may pasasalamat at pag-asa para sa masaganang hinaharap.

Sa naging kalatas ni VP Sara, sinabi nito na ang Ati-Atihan festival ay higit pa sa ‘lively music’ at makulay na kasuotan, dahil ipinapakita nito ang pananampalataya. katatagan at pagkakaisa ng mga Filipino.

“Sa paggunita natin sa inyong mayamang kultura at tradisyon, nawa’y baunin nating lahat ang diwa ng inyong selebrasyon: ang walang humpay na pasasalamat at ang pag-asa para sa mga masaganang bukas,” ayon kay VP Sara.

Samantala, ang Pistang Ati-Atihanay isang pistang Pilipino na ginaganap taun-taon sa Enero sa karangalan ng Santo Niño sa mga iilang bayan sa lalawigan ng Aklan, Panay.

Nagaganap ang pinakamalaking pagdiriwang sa ikatlong Linggo ng Enero sa bayan ng Kalibo, ang kabisera ng lalawigan.

Ang katagang Ati-Atihan ay nangangahulugang “tularan ang Ati”, ang katutubong pangalan para sa mga Aeta, ang mga unang nakipamayan sa Panay at mga iba pang bahagi ng kapuluan.

Noong una, ang pista ay isang paganong pagdiriwang upang alalahanin ang Palitan ng Panay, kung saan nagtanggap ang mga Aeta ng mga regalo mula sa mga Borneanong, na tumakas kasama ng kani-kanilang mga pamilya mula sa isang malupit na pinuno, kapalit ng pahintulot na makatira sa mga lupain ng mga Aeta.

Nagdiwang sila sa pamamagitan ng sayaw at musika, at pininturahan ng mga Borneo ang kani-kanilang katawan gamit ang uling upang ipakita ang kanilang pasasalamat at pakikipagkaibigan sa mga Aeta na may maiitim na balat.

Nang maglaon, binigyan ang pista ng ibang kahulugan ng simbahan—ang pagdiwang ng pagtanggap ng Kristiyanismo na isinasagisag ng pagkarga ng imahe ng Santo Niño sa panahon ng prusisyon. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here