Home NATIONWIDE Walang agarang balasahan sa PNP – Nartatez

Walang agarang balasahan sa PNP – Nartatez

210
0

MANILA, Philippines – Ipinagkatiwala ni Police Gen. Jose Melencio C. Nartatez, Jr., na bagong apat na bituin at punong hepe ng PNP, na walang agarang malawakang reorganisasyon sa puwersa.

“Walang abrupt o sweeping reshuffle. Anumang paggalaw ay magiging maayos, planado, at nakabatay sa pangangailangan ng organisasyon,” ani Nartatez, na binigyang-diin ang pagpapanatili ng katatagan sa puwersa.

Kumpirmado rin na magpapatuloy ang umiiral na anti-crime at community safety directives, lalo na sa mga pangunahing yunit ng operasyon sa malalaking krimen, counterterrorism, at internal security. Aniya, normal ang leadership movements sa PNP dahil sa promotions, retirements, o operational requirements.

“Anuman ang assignment, nananatiling pareho ang ating tungkulin na maglingkod at magprotekta. Ang performance, integridad, at pangangailangan ng serbisyo ang laging magiging basehan,” dagdag niya.

Inanunsyo ang kanyang apat na bituin noong Enero 28, na nagbigay sa kanya ng ganap na kontrol sa PNP matapos mapalitan si Nicolas Torre III, na naging general manager ng MMDA noong nakaraang Agosto. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here