Home NATIONWIDE Walang data center na itatayo sa Clark – Malakanyang

Walang data center na itatayo sa Clark – Malakanyang

1
0

MANILA, Philippines – SINABI ng Malacañang na wala pang panukalang inihaain para sa artificial intelligence (AI) data centers sa Pilipinas.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, walang data centers na itatayo sa Clark Advanced Manufacturing Park, na nakikita bilang isang “advanced manufacturing ecosystem producing equipment and components” para sa AI data centers at iba pang AI-enabled electronic products.

“On the Clark Advanced Manufacturing Park, there will be no data centers,” ani Castro.

Nagbigay ng paglilinaw si Castro kasunod ng kamakailang pahayag ng Department of Trade and Industry (DTI) na may planong magtayo ng AI data centers sa ilalim ng Pax Silica initiative sa mga lugar sa labas ng New Clark City na mayroong “viable power and water supplies.”

Kinokonsidera rin, ayon sa DTI, ang iba pang economic zones sa buong bansa para sa integrated circuit design at advanced manufacturing.

Subalit sa bagong pahayag ng DTI, sinabi nito na hindi mga AI data center ang itatayo sa New Clark City bilang bahagi ng proyekto sa ilalim ng Pax Silica partnership.

Sa budget hearing sa Kamara, sinabi ni DTI Undersecretary Perry Rodolfo na ang proyekto sa New Clark City ay nakatuon sa advanced manufacturing, partikular sa paggawa ng mga kagamitang gagamitin sa AI data centers.

Dahil dito, pinawi ng DTI ang mga pangamba sa posibleng malaking konsumo ng kuryente at tubig ng AI data centers, na sinabing hindi naman mismong itatayo sa New Clark City.

Kaya nga, sinabi ni Castro na dapat lamang na sumunod ang mga investors sa environmental regulations.

“We assure everyone that any investment project, whether data center or not, or whether under the Pax Silica or not, will have to undergo strict compliance with government regulations, for example, and most critically on environmental impact,” anito.

Nilinaw din ni Castro na walang panukalang magtayo ng data centers sa labas ng New Clark City sa ilalim ng Pax Silica initiative.

“Kung meron po silang sinasabing ibang lugar na hindi sa New Clark City, wala pa pong proposal patungkol po dito, ayon po sa DTI,” ayon kay Castro. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here