Home NATIONWIDE Walang donasyon, solicitation sa byahe ng mga Duterte sa The Hague –...

Walang donasyon, solicitation sa byahe ng mga Duterte sa The Hague – VP Sara

MANILA, Philippines – Nilinaw ni Vice President Sara Duterte na hindi tumanggap ng donasyon o solicitation ang mga Duterte sa kanilang biyahe patungong The Hague, kung saan naka-detain si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ambush interview, sinabi ni VP Sara na darating din sa The Hague ang kanyang kapatid na si Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte upang magkaroon ng kapamilya na makakabisita sa dating Pangulo habang ito ay nasa detention facility sa International Criminal Court (ICC).

“So pag-alis ni Honeylet [Avanceña]—bago umalis si Honeylet, darating si Congressman Pulong Duterte. And hindi pa namin ma-confirm ang pagdating ni Mayor Sebastian Duterte, pero supposedly dapat siya yung susunod, pag-alis ni Congressman Pulong Duterte, dapat nandito na siya sa The Hague,” ayon kay VP Sara.

Tinanong si Duterte kung sino ang nagpondo sa biyahe ng mga miyembro ng pamilya patungong The Hague.

“So, ang arrangement namin ay KKB o kanyang-kanyang bayad. Hindi namin napapag-usapan. Hindi rin kami naghihingian ng pera. Napag-usapan namin na hindi tumanggap ng donasyon at hindi humingi ng tulong,” sinabi ni VP Sara.

“So kung kailangan man na mag-dispose ng mga kagamitan para masuportahan yung mga pangangailangan sa pera, ay iyon ang gagawin namin. Because kung napapansin niyo, yan yun natutunan namin sa tatay namin. At yan din yung natutunan namin sa tatay namin. At yan din yung discussion namin kanina na huwag humihingi ng tulong,” dagdag pa ng Bise Presidente. RNT/JGC