Home NATIONWIDE Walang Gutom Kitchens, target ng DSWD sa Bicol, Leyte, Samar at BARMM

Walang Gutom Kitchens, target ng DSWD sa Bicol, Leyte, Samar at BARMM

MANILA, Philippines – Plano ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na palawakin pa ang “Walang Gutom Kitchen” food bank initiative sa mas marami pang lugar sa bansa.

Sa news forum nitong Sabado, Enero 11, sinabi ni DSWD Undersecretary Edu Punay na plano ng ahensya na maglatag ng mas marami pang food bank sites sa mga lugar kung saan mataas ang poverty incidence.

“We’ve identified the BARMM (Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao), where there’s the highest incidence of hunger and malnutrition, food poverty,” ani Punay.

“We’re also looking at some provinces in the Visayas like Leyte and Samar and also in Luzon, [particularly] the Bicol Region,” dagdag pa niya.

“So these are the sites we are eyeing for the expansion of Walang Gutom Kitchen.”

Noong Disyembre, inilunsad ng DSWD ang Walang Gutom Kitchen, ang food bank ng pamahalaan sa Nasdake Building, FB Harrison sa Pasay City.

Ang Walang Gutom Program ay ugnayan sa pagitan ng pamahalaan at private sector na layong tugunan ang involuntary hunger at mabawasan ang food wastage sa bansa.

Ang mga establisyimento, katulad ng restaurant at hotel ay maaaring mag-donate ng kanilang sobrang pagkain sa food bank, at tatanggap din ng mga donasyon mula sa pribadong indibidwal. RNT/JGC