Home OPINION WALANG KATAPUSANG IMPEACHMENT

WALANG KATAPUSANG IMPEACHMENT

282
0

NITONG Hulyo 8 iniutos ng Supreme Court sa Kamara na magsumite ng mga impormasyon at dokumento ng impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte, na pagbabatayan ng SC bago mag desisyon kung ito ay constitutional or unconstitutional.

Ang senaryo kapag maglalabas ng desisyon ang SC ay ganito, kapag sinabi nilang unconstitutional ibig sabihin null and void ito na posibleng dahila ay una, pasok sa 1 year ban rule at pangalawa, ay hindi pwedeng mag crossover ang impeachment trial mula sa natapos na 19th Congress patungo sa magbubukas na 20th Congress sa Hulyo 28.

Samantala, ang senaryo naman kapag nagdesisyon ang SC na constitutional, ibig sabihin valid at dapat matuloy ang impeachment trial.

Balik tayo sa senaryo kapag sinabi ng SC na unconstitutional na nangangahulugang null and void ang impeachment at ipaguutos ng SC na hindi pwedeng matuloy ang impeachment trial sa Senado, ibig sabihin ba’y patay na ang impeachment at dapat ng magdiwang ang kampo ni VP?

Ang sagot ay HINDI. Hindi pa tuluyang patay ang impeachment dahil kung ang dahilan lang ay 1 year ban rule at hindi pwedeng mag crossover ang impeachment trial sa 20th Congress ay simple lang, mag aantay uli ang mga nagsusulong ng impeachment ng 1 year para muling isampa ito.

Kung ang tanong ay papasa ba muli sa Kamara ang panibagong impeachment complaint matapos ang 1 year ban rule? Sagot ay “OO” sapagkat ang nag file ng 4th impeachment complaint na 215 Kongresista karamihan ay nanalo pa rin at nadagdagan pa nga ng mga pro-impeachment Kongresista at partylist.

Kaya matapos ang 1 year ban rule (1st, 2nd, 3rd impeachment) sa Disyembre 2025 ay pwede na muli magsampa ng impeachment complaint sa Enero 2026, ilang buwan na rin lang naman. Wala pa ring lusot at dahilan para magsaya ang kampo ni VP.

Hangga’t hindi nasisimulan at tatawid sa dulo, ay wala talagang katapusan ang impeachment na ito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here