MANILA, Philippines – Walang kasangkot na politiko sa pamamahagi ng voter’s information sheets (VIS) sa buong bansa, sinabi ng Commission on Elections (Comelec).
Sa pag-iinspeksyon sa pag-imprenta ng VIS sa satellite office ng National Printing Office sa Meycauayan City, Bulacan, sinabi ni Garcia na ang mga lokal na opisyal ng Comelec ang mamimigay ng VIS at hindi ang mga kandidato o opisyal ng barangay.
Sinabi ni Garcia na ang mga pulitiko o lokal o pambansang kandidato ay mahihirapang i-reproduce ang VIS sa distribusyon.
Muling iginiit ni Garcia na bawat rehistradong Pilipino sa buong bansa ay makakatanggap ng isang VIS.
Naglalaman ang apat na pahinang sheet ng pangalan at tirahan ng botante, polling precinct number, voting instructions at reminders o paalala, at mga pangalan ng local at national candidates at party-list groups.
Nanawagan si Garcia sa mga botante na gamitin ang VIS bilang kanilang “kodigo” o cheat sheet na magsisilbing gabay nila sa kanilang pagboto.
Ang pag-imprenta ng VIS ay makukumpleto sa katapusan ng Marso 2025 at ipapamahagi mula Abril 1 hanggang Abril 30, 2025. Jocelyn Tabangcura-Domenden