Sinuspinde ang klase sa ilang lugar ngayong Huwebes, Enero 30, 2025, dahil sa masamang lagay ng panahon.
Sa Catanduanes, walang pasok sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Viga, Virac, Bagamanoc, at Pandan.
Sa Albay, suspendido rin ang klase sa lahat ng antas sa Guinobatan at Ligao.
Samantala, sa Gigmoto, Catanduanes, tanging mga pampublikong paaralan ang walang pasok.
Sa Albay, walang pisikal na klase para sa lahat ng antas sa Camalig, Daraga, Libon, Malinao, Tiwi, at Tabaco.
Ayon sa PAGASA, ang Shear Line ay patuloy na nakakaapekto sa Visayas at silangang bahagi ng Katimugang Luzon, habang ang Amihan ay nakaapekto sa natitirang bahagi ng Luzon.
Dahil dito, nagdadala ito ng kalat-kalat na pag-ulan at posibleng pagbaha o pagguho ng lupa sa ilang rehiyon, kabilang ang Bicol Region, Eastern Visayas, Laguna, Quezon, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Aklan, at Capiz. RNT