MANILA, Philippines- Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sumasailalim na sa “detailed engineering” ang Wawa Dam project upang tiyakin na mapagagaan ang problema sa pagbaha.
“The old Wawa Dam, the original one, is already too small for our purposes. Gagamitin pa rin pero maliit lang talaga. It won’t make — it won’t help us that much,” ayon kay Pangulong Marcos sa situational briefing sa Antipolo City.
”That’s why, I am…. The Wawa Dam project has — even from the very start, hindi lang isa. They have — as the Secretary is saying, they have three more. Kailangan na natin siguro. We are undergoing detailed engineering already,” dagdag ng Pangulo.
Sa kabilang dako, sinabi naman ni Public Works and Highways chief Manuel Bonoan na ang Wawa Dam project ay mayroong Phase 2 at Phase 3.
Binanggit ng Pangulo ang pangangailangan na i-relocate ang tatlong dam sa itaas na bahagi para saluhin ang 80 million cubic meters na naimbak sa upstream.
”And this is under preparations. Unfortunately, we have to do now the feasibility study again because the site of the original flood control dam was already under the Wawa Dam,” dagdag na wika nito.
Ang Antipolo City ay isa sa mga lokalidad na tinamaan ng matinding Tropical Storm Enteng.
Samantala, makikita sa datos ng gobyerno na may 8,036 pamilya o 31,677 katao ang apektado ni Enteng sa lalawigan ng Rizal.
Napinsala rin ng masamang panahon ang Rizal Provincial Hospital system, na umabot sa P533,700. Kris Jose