Home METRO Welder timbog sa ‘bato’ at ‘bakal’

Welder timbog sa ‘bato’ at ‘bakal’

TUMAUINI, Isabela – Tuluyan ng inaresto ng mga kasapi ng Tumauini Police Station ang isang welder matapos siyang masamsaman ng droga at baril sa Purok 3, Brgy. District IV, Tumauini, Isabela.

Ayon kay PMaj. Melchor Aggabao, hepe ng Tumauini Police Station, nagkaroon sila ng operasyon sa bisa ng search warrant na inilabas ng RTC Branch 22 Cabagan, ISabela ay inaresto ang suspek na itinago sa pangalang Michael.

Aniya dalawang search warrant ang inilabas ng korte isa ay may kaugnayan sa pagiingat ng droga at pagiingat ng hindi lisensyadong baril.

Sa katunayan ay matagal na nilang minamanmanan ang suspek matapos nilang maaresto noong nakaraang taon ang isang drug personality na siyang nag bigay sa pangalan ng suspek sa PNP na madalas niyang makasama.

Dahil sa impormasyon ay nagsagawa ng hakbang ang PNP hanggang sa maisilbi ang search warrant na naging daan para makuha nila sa suspect ang dalawang (2) heat-sealed plastic sachet na may hinihinalang shabu, dalawang (2) lighter na may improvised tooter (foil), at isang (1) improvised tooter.

Bukod dito, nakumpiska rin ang isang (1) .38 caliber revolver na walang serial number, dalawang (2) bala ng caliber .38, at tatlong (3) cartridge case ng nasabing baril.

Sa kanilang mga nakalap na impormasyon napag-alaman na si alyas Michael ay isang surenderee na nagbebenta at gumagamit ng iligal na droga na kanilang naitala ngayon bilang new drug personality.

Matapos ang masusing pagmamarka, imbentaryo, at dokumentasyon ng mga nakumpiskang ebidensya sa harap ng arestadong suspek ay sinailalim sa medical assessment bago tuluyang dinala sa Tumauini Police Station para sa kaukulang disposisyon. Rey Velasco