Home ENTERTAINMENT Wendell at direktor, muntik nang magsapakan!

Wendell at direktor, muntik nang magsapakan!

Manila, Philippines- Mabuti na lang, cooler heads intervened.

Ito ang aktwal na eksenang hindi na kasama sa bagong teleserye ng GMA kung saan naawat ng ilang tao sa set ang naggigiriang aktor at isang substitute director.

Ang taong sangkot–si Wendell Ramos.

Naganap ang insidente sa taping ng Shining Inheritance.

Diumano, hindi nagustuhan ng substitute director ang ginawang pag-aadlib ni Wendell.

“Siya na kaya ang magdirek!” sey ng nainsultong si direk na nang mga sandaling ‘yon ay nasa loob ng OB van.

Nakarating umano ang sinabi ni direk kay Wendell na obyus na napikon.

Sa galit, sinugod umano ng aktor ang director sa OB van at doon na nagsimulang maghamunan.

Palaban din daw kasi si direk.

Naawat na lang daw si Wendell at ang direktor ng crew dahi kung hindi’y nagkabasagan daw ng mukha.

The next taping day ay hindi na sumipot ang direktor.

Marami naman ang nagsasabing palso ang naging behavior ni Wendell na sana man lang daw ay nahiya sa co-star nilang si Coney

Reyes na ubod nang propesyonal sa trabaho. Ronnie Carrasco III