Home NATIONWIDE Wescom nanindigan na hindi nakikipag-negosasyon sa China hinggil sa WPS

Wescom nanindigan na hindi nakikipag-negosasyon sa China hinggil sa WPS

MANILA, Philippines – Nanindigan si dating Armed Forces of the Phlippines Western Command (Wescom) chief Vice Adm.Alberto Carlos na hindi siya nakikipag-negosasyon sa China hinggil sa isang new model agreement na naglalayong bawasan ang tensyon sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea (WPS).

Sa panayam ng PTV, binigyang-diin ni Carlos na hindi ito nagbigay ng permiso o consent sa Chinese military attache na nakilalang so Col. Lee na irekord ang kanilang pag-uusap.

Aniya, nakilala niya si Lee nang siya ay Wescom commander na kung minsan ay nangangailangan ng pakikipagpulong sa mga dayuhang kinatawan sa mga diplomatic activities.

Nanindigan din si Carlos na sila ni Lee ay mayroon lamang “informal casual conversation”.

Nanindigan din si Carlos na hindi niya kinokompromiso ang integridad ng teritoryo ng bansa.

Maaalala na sinabi ng Embahada ng Tsina sa Maynila na si Carlos, sa pag-aruba ng mga opisyal ng gobyerno, ay sumang-ayon na pumasok sa bagong modelong kasunduan bilang bahagi ng pagpapagaan ng mga tensyon, na pinatindi ng panggigipit ng mga Tsino sa Philippine resupply ships at kanilang escorts sa Ayungin Shoal.

Nagpahayag din si Carlos ng pagkabahala sa kanyang mga tropa sa Wescom dahil tila tumitindi ang tension sa WPS, dahil sa sunod-sunod na pag-atake ng water cannon laban sa mga barko ng Pilipinas na nagresulta sa pinsala at injuries sa panig ng mga Filipino noong Marso 23 sa Ayungin Shoal.

“I’m really worries about my personnel in Wescom, especially those involved in the RORE (rotation and resupply missions). Sa mga kasamahan ko sa Western Command, alam kiong napakarami pang hamon ang ating haharapin, marami pa tayong gagawin dyan sa West Philippine Sea. Alam kong kayang kaya natin yan,” sinabi pa ni Carlos. Jocelyn Tbaangcura-Domenden