Home ENTERTAINMENT Wowowin, nasa TV5 na!

Wowowin, nasa TV5 na!

Manila, Philippines – Mismong ang Facebook page na ng TV5 ang nag-anunsyo nitong gabi ng March 15, Biyernes na: “Breaking news…Kuya Wil kasama ang mga big boss ng TV5!”

In a surprise development, balitang sa Abril ng taong ito magsisimulang mapanood muli ang programa ni Willie Revillame sa Kapatid network.

Magugunitang ito ang naging tahanan niya mula 2010 hanggang 2013.

It had assumed three program titles:

Willing Willie, Willtime Bigtime and Wowowillie.

Sa pagbabalik nito’y retained ang pamagat na Wowowin.

Kung bakit sa April pa ito mapapanood ay dahil patapos pa lang ang pagpapatayo ni Willie ng studio nito sa Sta. Lucia Mall sa Cainta, Rizal.

Wowowin is said to come after Eat Bulaga na nagtatapos ng alas dos y medya ng hapon, mula Lunes hanggang Sabado.

Huling napanood ang naturang game show cum public service program sa AlITV na pag-aari ni dating Senator Manny Villar.

Bago rito’y galing muna ang Wowowin sa GMA, its home for more than seven years.

Maaalala rin na nakipagnegosasyon din ang kampo ni Willie for a possible simulcast of Wowowin over PTV4 and IBC 13.

Naiulat ding nakahanap na si Willie ng financier ng kanyang programa.

Balita ring desidido na si Willie na tumakbong senador sa mid-term elections sa isang taon. Ronnie Carrasco III

Previous article3 business agreements tinintahan ng PH, Czech Republic
Next article‘Register Anywhere Program’ target isagawa sa lahat ng LGUs sa sunod na voter registration